^

Bansa

Drug Act maraming butas

- Gemma Amargo-Garcia -

Manila, Philippines - Napapanahon na umano upang amyendahan ang Comprehensive Drug Act of 2002 dahil na rin sa maraming butas nito sa kasalukuyan na nagi­ging dahilan upang mara­ming mga dayuhang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang nakakaligtas na maparusahan.

Iginiit ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Bargaza Jr., vice-chairman ng House committee on Dange­rous drugs na kaila­ngan na umanong bisitahin ang RA 9166 dahil hindi na umano ito naayon sa kasalukuyang panahon. 

Patunay umano nito ang dumaraming kaso ng mga inarestong mga dayuhan kaugnay ng ipinagbabawal na gamot na nababasura ang kaso dahil sa teknikalidad.

Kailangan ding pag-aralan ang naturang batas upang maisaayos ang ilang isinasaad nito at ma­bigyan ng mas ma­laking kapangyarihan ang Philippine Drug Enforcement Agency upang tuluyang masawata ang pagkalat ng illegal na droga.?

Nangangamba din si Bargaza dahil sa lubha na umanong napag-iiwanan ang Pilipinas mula sa ibang bansa sa Asia sa pagpaparusa sa mga taong sangkot sa illegal na droga kung saan sa halip na maparusahan ay napapalaya dahil sa usapin ng teknikalidad. 

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ay patuloy pa rin umano ang pagsasamantala ng ilang sindikato na magpasok nito sa bansa.

BARGAZA

CITY REP

DASMARI

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELPIDIO BARGAZA JR.

IGINIIT

KAILANGAN

NANGANGAMBA

NAPAPANAHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with