^

Bansa

LTO 'di babalik sa manual operation

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Pinangako ni LTO Acting Asst. Secretary Racquel Desiderio na hindi babalik sa manual ang operasyon ng Land Transportation Office at magpapatuloy ang pagpapatupad nito ng automated system ng mga transaksiyon sa ahensiya.

Ayon kay Desiderio, malaki ang pakinabang ng LTO sa IT provider nitong Stradcom Corporation para mapabilis ang proseso ng pagrerehistro sa mga sasakyan at issuance ng drivers license sa milyong Pilipino nationwide sa loob lamang ng 30 minuto.

Anya, ang partnership ng LTO at Stradcom na nagsimula noong 1998 ay nagpapakita lamang kung paano nakatulong ang implementasyon ng compute­rization sa ahensiya para mapahusay ang pagseserbisyo sa publiko.

Walang gastos sa pamahalaan ang compu­te­rization project sa ilalim ng Build-Own and Ope­rate scheme at ang kontrata ay nagbibigay ng ma­ta­gumpay na public private partnership policy ng Aquino administration.  

Bago matapos ang taong  2010, nalagay sa ala­nganin ang puwesto ni Assec. Virginia Torres nang masangkot sa matinding kontrobersiya ng pagtake-over ng ilang grupo ng negosyante sa pangunguna ni Bonifacio Sumbilla at Aderito Yujuico dahilan para pagbakasyunin si Torres ng 60 araw dahil ang insidente ay may matinding epekto sa interes ng publiko at ng pamahalaan.

ACTING ASST

ADERITO YUJUICO

BONIFACIO SUMBILLA

BUILD-OWN AND OPE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SECRETARY RACQUEL DESIDERIO

SHY

STRADCOM CORPORATION

VIRGINIA TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with