Mag-jowa na carnappers, timbog
MANILA, Philippines - Nagwakas ang modus operandi sa pangangarnap ng maglive-in partner nang ipaaresto ng isang fire volunteer na nakakitang sakay ang dalawa ng kaniyang nawawalang motorsiklo, sa Tondo, Maynila, kama kalawa ng hapon.
Dinakip sina Ronald Arnaldo, 28 at si Arvy Gumarang, 28 dahil sa reklamo ng biktimang si Ivan del Rosario, 35.
Sa reklamo ni del Rosario, dakong alas-6:00 ng umaga kamakalawa nang iparada niya ang Honda Wave (9814 PH)kulay gray sa panulukan ng P. Herrera at Ylaya Sts., sa Tondo na biglang naglaho kaya ipina-blotter sa pulisya.
Sa follow-up operation, namataan ang motorsiklo na nakaparada sa isang parking lot sa Moriones St., Tondo kaya’t inabangan ang sinumang kukuha nito hanggang sa dumating ang dalawang suspect na kaagad sumakay at pinaandar ang motorsiklo. Sa puntong iyon ay agad silang sinita at inaresto ng mga tauhan ng MPD-station2.
Nang i-turn over sa MPD-ANCAR, nabuking na ang dalawang suspect ang mismong nangungursunada ng mga ipinaparadang motor at tatangayin. Ibenebenta nila ang mga nakukulimbat sa isang erya sa Isla Puting Bato sa halagang P4,000 lamang.
- Latest
- Trending