^

Bansa

Bagong witness ididiin si Tita Cacayan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isa pang biiktima ng illegal recruitment at human trafficking ang lumutang kahapon sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) upang idiin si Mapet Cortez o kilala bilang Tita Cacayan.

Nagpatago lamang sa alyas na “Bunny” ang babaeng testigo na nagpatibay pa sa aku­sasyong  sangkot sa transaksiyon ng iligal na droga at illegal recruitment si Cacayan, na nahaharap sa reklamo sa DOJ hinggil sa pagre-recruit sa naarestong drug mule at binitay noong Marso 30, 2011 sa China na si Sally Ordinario-Villanueva.

Nangako pa si Bunny na handa siyang isiwalat hanggang sa korte ang  kaniyang nalalaman hinggil sa gawain ni Cacayan dahil isa siya sa biktima nito.

Kusa umano siyang lumapit sa DOJ dahil sa  natatanggap na  pagbabanta sa buhay .

Sa ikalawang pagkakataon, nagharap-harap na naman si Cacayan at mga kaanak ni Sally na sina Peter, Liza at Jason Ordinario.

Bukod sa human trafficking case, isa pang kaso ni Cacayan ang nagdaos din ng PI sa DOJ, partikular na ang usapin ng pagpapadala nito ng droga kay Jason na una nang isinampa sa piskalya.

Inatasan naman nina Assistant State Prosecutors  Michael Vito Cruz at Steward Mariano, ang may hawak sa kasong illegal drugs at kidnapping na inihain ni Jason laban kay Cacayan, ang PNP-CIDG at si Jason Ordinario ng reply sa inihaing counter affidavit ni Cacayan hanggang Mayo 4 para sa itinakdang clarificatory hearing sa Mayo 9.

Itinanggi ni Cacayan ang bintang ng CIDG at ni Jason na kanya din ang mga ginagamit na pa­ngalang Joy Anne Olido at Joy Anne Olinodo, Aniya ibang tao ang nasabing mga pangalan.

ASSISTANT STATE PROSECUTORS

CACAYAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

JASON ORDINARIO

JOY ANNE OLIDO

JOY ANNE OLINODO

MAPET CORTEZ

MICHAEL VITO CRUZ

SALLY ORDINARIO-VILLANUEVA

STEWARD MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with