^

Bansa

Coast Guard may bagong hepe

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Aquino bilang bagong Philippine Coast Guard (PCG) Vice-Admiral si Ramon Liwag matapos magretiro si Admiral Wilfredo Tamayo.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa pagreretiro ni Adm. Tamayo, naibalik nito ang tiwala ng taumbayan sa PCG dahil sa kanyang tuwid na pagseserbisyo.

Inaasahan naman ni PNoy na itutuloy ni Liwag ang naumpisahan ni Tamayo na liderato sa PCG.

Pinayuhan din ng Pa­ngulo si Liwag na huwag itong magpapahila sa tukso bagkus ay maglingkod ng marangal.

Wika pa ni Aquino, sa likod na limitado lamang ang resources ng PCG ay nagagampanan pa rin nito ang kanilang tungkulin na bantayan ang baybaying dagat ng bansa mula sa masasamang elemento.

Pinuri din ni PNoy ang PCG dahil sa mabilis nitong pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng bagyo, baha at mga ka­lamidad sa kabila ng kakulangan nila sa mo­dernong kagamitan.

Si Liwag ay mananati­ling PCG commandant sa loob ng 11 buwan bago ito tuluyang magretiro. Mi­yembro si Liwag ng PMA Class ’79.

ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

AQUINO

INAASAHAN

ITINALAGA

LIWAG

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

RAMON LIWAG

SI LIWAG

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with