^

Bansa

COMELEC: Tama ang pagbilang ng boto ng PCOS machines

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na walang nakitang discrepancy ang Comelec sa ginagawang recount sa mga boto hanggang ngayon hinggil sa mayoralty race sa pagitan nina Mayor Alfredo Lim at kaniyang katunggaling si ex-Mayor at Environment and Natural Resources Secretary Joselito Atienza noong halalan nung nakaraang taon.

Sinabi ni Sarmiento, ang presiding commissioner ng First Division ng Comelec, na base sa mga boto na lumabas sa paper ballots at election returns, walang gaanong discrepancy base sa ulat sa kanila.

Ang First Division ng Comelec ang humahawak ng protesta na isinampa ng natalong kandidatong si Atienza laban kay Lim noong May 2010 election.

Ayon sa Comelec commissioner, ang recount ng mga balota na nakalagay sa 200 ballot boxes ay nagpapakita ng wastong bilang ng mga boto na ginawa sa pamamagitan ng PCOS machines na sinuplay ng Smartmatic-Total Information Management Corp. (Smartmatic-TIM) noong May 2010 eleksyon.

“Ibig sabihin nagta-tally. Ibig sabihin walang irregularities na nakikita ang recount committees as reported to me by the (First) division clerk of court,” diin ni Sarmiento.

Ang deklarasyon na ito mula sa Comelec ay muling nagpapatunay sa superyoridad at ‘accuracy’ ng teknolohiya na ginamit ng Smartmatic-TIM sa kauna-unahang automated elections na ginanap sa Pilipinas nitong nakaraang taon.

Pinabulaanan din dito ng Comelec ang mga walang-basehang mga alegasyon ukol sa diumano’y mga depekto ng PCOS machines.

Ang Smartmatic-TIM ay may alok sa Comelec na bilhin ang 82,000 PCOS machines na ipinarenta sa kanila noong May 2010 elections sa halagang P2.3 billion, 33% ng kabuuang presyo ng mga makina.

Sa orihinal nilang kon­trata, ipinarenta ng Smartmatic-TIM ang PCOS machines sa Comelec sa halagang 67 % ng kabuuang presyo ng mga ito, na umabot sa P3.34 billion, kasama na ang teknolohiya para mapatakbo ang mga makina.

Base sa taunang inflation rate na 6%, gagas­ta lamang ang gobyerno ng P4.44 billion para mabayaran ang balanse ng presyo ng PCOS machines at pati na rin ang warehousing services na inaalok ng Smartmatic-TIM para ang mga ito ay magamit pa sa mga susunod na halalan.

Pero kung patuloy na rerentahan lamang ng gobyerno ang mga PCOS machines, ang magagas­tos ay aabot sa P22.54 billion mula 2011 hanggang 2016.

Kaya’t mas makakatipid dito ang gobyerno ng may P18 billion kung bibilihin na lamang ang PCOS machines para magamit ang mga ito sa ARMM elections ngayong taon, sa halalan sa 2013 at sa presidential elections 2016.

ANG FIRST DIVISION

ANG SMARTMATIC

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY JOSELITO ATIENZA

FIRST DIVISION

IBIG

MACHINES

SMARTMATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with