^

Bansa

Dagdag singil sa Skyway

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos ang Semana Santa, bubulaga sa mga motorista ang pagtaas sa singil sa toll fee sa Skyway makaraang matapos ang ekstensyon nito mula Bicutan hanggang Alabang.

Ito’y matapos na apru­bahan na ng Toll Regula­tory Board ang panukalang dagdag-singil sa toll fee ng Metro Manila Tollways Corporation, ang namamahala sa Skyway.

Simula Abril 25, tataas ang singil sa “elevated class 1” ng P44 mula Ma­kati hanggang Bicutan, P41 Bicutan-Sucat, P41 mula Sucat-Alabang o kabuuang P147.

Sa mga “Graded vehicles”, sisingil ang Skyway ng P65 mula Magallanes-Bicutan, P31 mula Bicutan-Sucat, P31 mula Sucat-Alabang o kabuuang P106.

Nilinaw ng Skyway na hindi nila itinapat sa Semana Santa ang pagtataas sa singil sa toll upang hindi mabigatan ang mga motorista dahil sa inaasahan nilang pagdagsa ng mga lalabas ng Metro Manila tungo sa mga bakasyunan sa Timog Katagalugan at muling babalik pagkatapos ng Holy Week.

Inihayag rin naman ng TRB ang pagtaas sa singil sa Coastal Road Extension ng South Luzon Expressway mula Mayo 1.Ê Aakyat sa P58 ang singil sa Class 1 na behikulo, P116 sa Class 2 at P174 sa Class 3.

vuukle comment

BICUTAN

BICUTAN-SUCAT

COASTAL ROAD EXTENSION

HOLY WEEK

METRO MANILA

METRO MANILA TOLLWAYS CORPORATION

MULA

SEMANA SANTA

SIMULA ABRIL

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with