MANILA, Philippines - Matapos ang pitong taon, naisampa na rin ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong graft laban sa tatlong lokal na opisyal ng Sorsogon dahilan sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa P728-milyong fertilizer fund scam.
Ang mga kinasuhan ay sina Sorsogon Gov. Raul Lee, provincial accountant Raul Hernandez at provincial treasurer Ofelia Velasco.
Nag-ugat ang kaso nang aprubahan umano ng naturang mga akusado ang pagbili ng 2,133 liters ng Bio Nature Liquid Fertilizer sa halagang P1,500 per liter mula sa supplier nitong Fenshan Philippines, Inc. kahit na ang tunay na halaga nito ay P180 per liter lamang.
Hindi naman isinama ng Ombudsman na kasuhan sina Fenshan executives Ma. Eunique Galang at Redentor Antolin dahil walang sapat na ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.