^

Bansa

Probe team na magdidiin kay Merci kumpleto na

-

MANILA, Philippines - Nakumpleto na kahapon ang prosecution team ng Kamara na magdidiin kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, isang buwan bago magsimula ang impeachment trial laban dito.

Ayon kay House Committee on Justice chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., kabilang sa mga bumuo ng panel sina Northern Samar,1st District Rep. Raul Daza at Diwa party list Rep. Emmile Aglipay .

Nauna nang pinangalanan ang siyam na mambabatas na kabilang sa prosecution team na kinabibila­ngan nina Tupas Jr,  Vice chairman at Ilocos Sur Rep. Rodolfo Farinas, House deputy speaker Erin Tañada, Bayan Muna party-list Rep. Neri Javier Colmenares, Akbayan party-list Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Kasama din sa team sina Valenzuela City Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo II, Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, Marikina Rep. Miro Quimbo, Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga  samantalang tatayo naman bilang spokespersons ng grupo si CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna at Aglipay at ang magsisilbing public relation officer na si South Cotabato Rep. Daisy Avance Fuentes.

Magtutungo sila sa Senado sa pagbubukas ng session sa Mayo 9, dakong alas 2 ng hapon upang maghain ng “enter apperance” para sa impeachment trial ni Gutierrez.

Inihayag din ni Tupas na siya ang magsasagawa ng opening statement sa pagbubukas ng impeachment trial at siya rin umano ang dedepensa sa fertilizer fund scam na umanoy “strongest evidence” ng komite. (Gemma Garcia/Butch Quejada)

BAYAN MUNA

BUTCH QUEJADA

CAVITE REP

DAISY AVANCE FUENTES

DASMARINAS CITY REP

DISTRICT REP

ELPIDIO BARZAGA

EMMILE AGLIPAY

ERIN TA

GEMMA GARCIA

REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with