^

Bansa

Photo competition sa Aliwan Fiesta

-

MANILA, Philippines - Naglunsad muli ang Manila Broadcasting Company ng isang photo competition kaugnay ng pagtatanghal ng Aliwan Fiesta grand parade sa ika-16 ng Abril. “Pista sa amin ay ganyan” ang tema ng pagkuha ng litrato sa taong ito, bilang pagkilala sa mataas na antas ng paglikhang ipinapamalas nating mga Pinoy, maging sa sayaw, sa float design, at iba pang sining na binibigyang-pansin sa pinakamalaking kapistahan ng bansa.

Maaaring gumamit ng digital o film-based na kamera. Ilagay sa 8R size ang mga lahok na de-kolor, na may kasamang high-resolution JPG files sa CD. Dapat kuha ang litrato sa araw ng parada, na magsisimula sa Quirino Grandstand patungong Aliw Theater kung saan ito magtatapos.

Tig-limang entry lamang ang tatanggapin mula sa bawat sasali. Dapat sila’y mga litrato ng iba’t ibang contingent na kalahok sa parada — tatlo sa streetdance competition at dalawa mula sa float parade. Hindi pa dapat nagwagi sa ibang kumpetisyon, ni lumabas sa anumang babasahin ang litratong ilalahok. Lakipan ng dalawang kopya ng entry form na maaaring ma-download sa http://www.aliwanfiesta.com.ph kasama ang isang self-addressed, stamped Manila envelope. Nasa website din ang iba pang detalye ukol sa kumpetisyon. Dalhin kay Susan Arcega sa tanggapan ng MBC bago mag-alas-12 ng tanghali sa ika-29 ng Abril.

vuukle comment

ABRIL

ALIW THEATER

ALIWAN FIESTA

DALHIN

DAPAT

ILAGAY

LAKIPAN

MANILA BROADCASTING COMPANY

QUIRINO GRANDSTAND

SUSAN ARCEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with