6.1 lindol uli sa Japan!

MANILA, Philippines - Matapos ang mala­kas na aftershock na 7.1 magnitude noong Biyernes, muli na namang niyanig ang Japan ng 6.1 magnitude na lindol kamakalawa ng gabi na sinundan ng 4 na aftershocks, kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, walang Pinoy na nasugatan o nasaktan sa nasabing pinakahuling aftershock matapos ang unang pagtama ng 9.0 magnitude na lindol noong Marso 11.

Ang 6.1 lindol ay tumama sa Kyushu dakong alas-9:57 ng gabi na may lalim na 21.3 kilometro at ang epicenter ay 212 kilometro o 131 milya sa katimugang Miyazaki at 213 kilometro sa timog silangan ng Kagoshima.

Apat na aftershocks ang naitala sa Honshu (4.7), Shikoku (4.8), dalawang beses pa na 4.9 sa Honshu.

Show comments