^

Bansa

UN naalarma sa 600 child warrior sa Pinas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng mga opisyal ng United Nations na umaabot sa 600 child warrior na ang pinakabata ay 8-anyos, ang ginagamit ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao sa pakikipag­laban sa tropa ng pamahalaan.

Sa press briefing sa Defense Press Corps, sinabi ni Radhuka Coomaraswamy, special representative of the Secretary General for Children and Armed Conflict na dapat itong aksiyunan ng gobyerno dahil nasisira ang kinabukasan ng mga batang ito na sa halip na mag-aral ay namumundok at hinahasa sa terorismo.

Ayon kay Coomaraswamy, sa hanay pa lamang ng MILF ay nakapagtala na sila ng 600 child combatant na karamihan ay sangkot sa armed conflict bilang mga child warrior, espiya, couriers o mga munting intelligence officers.

Nakipag-ugnayan na ang United Nation International Children Fund (UNICEF) sa MILF at ma­ging sa makakaliwang hanay sa pamamagitan ng National democratic Front kung paano maiiwasang idamay ang mga bata sa armadong hidwaan.

Nabatid na kahirapan at ang pagiging anak o ka­mag-anak ng isang rebelde ang pangunahing dahilan kung bakit nahihikayat ang mga batang paslit na sumama o masangkot sa armed conflict.

Sa istastika ng UNICEF, 67% ng child combatant ay mga lalaki habang 23% ay mga babae.

AYON

CHILDREN AND ARMED CONFLICT

COOMARASWAMY

DEFENSE PRESS CORPS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RADHUKA COOMARASWAMY

SECRETARY GENERAL

UNITED NATION INTERNATIONAL CHILDREN FUND

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with