^

Bansa

FPIC pinagbabayad ng danyos

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dapat magbayad ang First Philippine Industrial Corporation­ (FPIC) sa mga naapektuhang residente ng West Tower Condominium at mga naninirahan sa kalapit nito dahil sa nangyaring leak ng gas sa kanilang pipeline na dumadaan sa ilalim ng Bgy. Bangkal, Makati.

Sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, responsibilidad ng FPIC ang nangyaring leak kaya dapat lamang bigyan ng tamang kompensasyon o danyos ang mga residenteng naapektuhan bukod pa sa paglilinis sa natirang petrolyo lugar.

Sinabi pa ni Zubiri, na inirekomenda rin ng komite na maghain ng kinakailangang aksiyon ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno laban sa FPIC dahil sa diumano’y paglabag nito sa Clean Air Act at Clean Water Act. Nalagay umano sa panganib ang kalusugan ng mga residente ng condominium at mga kalapit lugar nito dahil sa pagkakalanghap ng gas simula ng magkaroon ng leak.

Inatasan din ng komite ang FPIC na sagutin ang paglilinis sa West Tower at sa kalapit na lugar na naapektuhan ng leak.

BANGKAL

BGY

CLEAN AIR ACT

CLEAN WATER ACT

DAPAT

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

JUAN MIGUEL ZUBIRI

SINABI

WEST TOWER

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with