Freeport inireklamo ng ex-employees
MANILA, Philippines - Inireklamo ng mga dating manggagawa ng Freeport Service Corporation, na fully owned subsidiary ng SBMA, ang ‘di umano’y malupit at walang basehang pagkakatanggal nila sa kanilang trabaho.
Naghain ang mga FSC employees ng illegal dismissal complaints sa Regional Arbiter ng National Labor Relations Commission laban sa FSC at SBMA at kina SBMA Administrator Armand Arreza, SBMA directors na sina Ramon Agregado at Ed Tamondong.
Kasama sa mga complainants na ito ay si FSC Legal Department Manager Atty. Alan Ventura.
Ibinunyag ni Ventura na pinagdesisyunan ni Arreza na pansamantalang itigil ang operasyon ng FSC, na siyang inilarawan ni Atty. Ventura bilang ‘corporate suicide’ dahil aniya hindi naman nahaharap sa anumang business losses ang FSC.
Isang “extravagant financial spree” ang in-enjoy umano ng FSC Board of Directors mula nang ipasa noong Feb. 2009 ang resolusyon na naghahayag ng P2.1 million compensation para sa kanila. Bago pa ito ay ipinasa noong September 2008 ang isa pang resolusyon na lilikha sa four-member Council of Advisers na tatanggap ng parehong bayad katulad ng mga miyembro ng FSC Board.
Maging ang world-class architect na si Jun Palafox ay nagreklamo ukol sa mga “matatapat na negosyante na kinukuwartahan sa Freeport.” Aniya, ang kanyang kumpanya ay sinabihang magbayad ng 15 percent commission sa isang project bidding.
Ayon sa position paper ni Atty. Ventura, imbis na tanggalin sa trabaho ang mga empleyado nito, dapat ay binawasan ng FSC ang sahod ng Board of Directors sa allowable amount na nakasaad sa batas.
- Latest
- Trending