Bagyong Amang, nagbabanta sa Catanduanes

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Amang sa Catanduanes, ayon sa PAG ASA.

Kahapon ng alas-10 ng umaga, si Amang ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG ASA) sa layong 810 kilometro silangan ng northeast ng Borongan, Eastern Samar.

Taglay ni Amang ang lakas ng hanging 55 kilometro malapit sa gitna at kumikilos sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.

Si Amang ay inaasahang nasa layong 1,190 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac Catanduanes nga­yong Martes na inaasahang magdadala dito ng mga pag uulan.

Show comments