^

Bansa

'Door-to-door' bakuna vs tigdas ilulunsad ngayon

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sisimulan na ngayong araw (Lunes) ang pagbabakuna ng libre kontra tigdas sa programang ilulunsad ng Department of Health na may temang “Ilig­tas sa Tigdas ang Pinas”.

Pangungunahan ni Pa­ngulong Aquino ang programa na unang gaganapin sa Parañaque City kasama sina Health Secretary Enrique Ona at mga opisyal ng World Health Organization (WHO).

Target ng programa na mabakunahan ang lahat ng batang may edad 9 na buwan hanggang 8 taong gulang kaya ‘door-to-door’ ang gagawing sistema kasabay ng pagpapakalat ng mga impormasyon upang maiwasan ang tigdas. Ito’y upang mabawasan ang transmission at infection  ng sakit at mapalakas ang immunity laban sa virus.

Ang pondong inilaan ng gobyerno sa special campaign ay umabot sa P600 milyon na gugugulin hanggang Mayo 4.

Papayagan din ang mga batang nabakunahan na basta’t siguruhin lamang na may isang buwan na ang nakalipas sa huling pagpapabakuna.

Una nang naalarma ang DOH sa measles outbreak sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa report ng DOH, tumaas ang kumpirmadong kaso ng tigdas sa bansa mula 453 noong 2007 at umabot ng 1,418 noong taong 2010 at mahigit sa 70 porsiyento umano ng naturang kaso ay mga bata na hindi nabakunahan.

Noong taong 2009, sinimulan ng DOH ang surveillance nila sa German measles at nakumpirma ang 1,654 kaso ng sakit, na karamihan ay mga batang nagkakaedad ng siyam na taong gulang pababa.

May mga ulat na rin ng measles outbreaks sa Nueva Ecija, Bulacan at Zamboanga del Norte noong 2010 at hanggang nitong Pebrero 19, 2011, lumilitaw umano na 1,308 confirmed cases na ang naitala rin sa may 20 la­lawigan, kabilang ang Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Zambales, Batangas, Quezon, Camarines Sur, Capiz, Iloilo, Southern Leyte, Samar, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Davao Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, South Cotabato, Agusan Norte at maging sa Metro Manila.

Sa nakalipas na dalawang taon, 66 bata na ang naitalang namatay dahil sa tigdas.

AGUSAN NORTE

CAMARINES SUR

DAVAO ORIENTAL

DAVAO SUR

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

ILOCOS NORTE

LA UNION

NORTE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with