^

Bansa

3 Pinoy bibitayin ngayon!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines -  Umaasa pa rin ng himala ang pamahalaan ng Pilipinas na sa huling sandali ay magbago ang isip ng Chinese government at hindi ituloy ang nakatakdang pagbitay sa tatlong Pinoy ngayong umaga sa China.

Ito’y matapos na ibasura umano ng Chinese People’s Court ang huling apela ng Pilipinas sa pamamagitan ng ‘bargain letter’ ni Vice President Jejomar Binay na humihiling na mabigyan ng clemency o huwag ituloy ang execution sa tatlong OFW na sina Ramon Credo, 42; Sally Ordinario-Villanueva, 32 at Elizabeth Batain, 36.

Binigyang-diin ng ta­ga­­pagsalita ng Chinese Embassy na si Ethan Sun ka­hapon na pinal na ang de­sisyon ng China at hindi na mababago pa ang hatol na parusang kamatayan laban sa tatlo.

Bukod sa pagdarasal ng sambayanang Pilipino, umaasa pa rin si Binay na hanggang sa huling minuto o segundo ay lumambot ang puso ni Chinese President Hu Jintao sa apela nito at sa sulat at panawagan pa ng pamilya Ordinario na pigilin ang pagtuturok ng lason sa tatlong Pinoy.

Muling sumulat kahapon si Binay kay Jintao na humihiling na huwag ituloy ang bitay. Sa kanyang liham na ipinadala sa Chinese Embassy, sinabi ni Binay na dapat mabuhay sina Credo, Villanueva at Batain dahil kailangan sila ng pamahalaan (Pilipinas) na magsisilbing asset upang matunton o matukoy pa ng pamahalaan ang malalaking sindikato na bumibiktima sa mga Pinoy bilang bahagi ng kampanya laban sa drug trafficking. Ito ay kasunod ng pagkaka-aresto ng National Bureau of Investigation sa mga re­cruiters na nanloko kay Villanueva matapos na magdala ng maleta na may 4 kilong heroin patungong China sanhi upang ma-convict.

Nakasama sa liham ni Binay ang sinumpaang salaysay ni Villanueva na nagdidiin sa isang Mapet Cortez alyas Tita Cacayan na siyang nanloko sa kanya at pinaniniwalaang kasabwat ng sindikato.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bago isalang ngayong umaga sa lethal injection chamber sina Credo, Villanueva at Batain ay mabibigyan ng pagkakataon ang kani-kanilang pamilya na nasa China na sila ay makita, makausap at mayakap sa huling sandali.

Sina Credo at Villanueva  ay magkasabay na bibitayin sa Xiamen habang si Batain ay isasalang sa lethal injection chamber sa Shenzhen.

BATAIN

BINAY

CHINESE EMBASSY

CHINESE PEOPLE

CHINESE PRESIDENT HU JINTAO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELIZABETH BATAIN

PILIPINAS

PINOY

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with