MANILA, Philippines - Binawi kahapon ng Japan authorities ang ulat na umabot na sa 10 milyon doble sa normal na antas ang radiation na kumalat sa karagatan.
Inamin ng Tokyo Electric Power Co. (TEPCO) na nagkamali sila ng pagtaya at inilabas na datos matapos na tumagas ang radiation particles sa karagatan mula sa nasirang reactor 2 ng Fukushima Daichi Nuclear Power Plant. Nilinaw ng TEPCO na 100,000 times lamang ang taas ng radiation level ng reactor 2 kaya agad silang humingi ng paumanhin sa kanilang pagkakamali.
Nabatid na may 1,000 millisieverts (mSv) ang airborne radiation ng reactor 2 kaya nananatiling delikado kaya ang mga manggagawa sa loob ng planta ay pinalikas. Ang reactors 1,2,3 at 4 ay pawang may tagas na ng radiation na humalo na sa tubig o karagatan kaya pinalilikas na ang natitirang residente na nasa 20-30 kilometer danger zone mula sa nasabing nuclear plant.