Graduationg students sa Caloocan walang gagastusin
MANILA, Philippines - Makatitiyak ang mga magulang ng mga magsisipagtapos sa elementarya at sekondarya sa Caloocan City na walang babayarang graduation fee ang mga magulang ng mga graduating student matapos na sagutin ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pag-arkila ng toga at iba pang gagamitin sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa lahat ng public schools sa lungsod.
Dahil dito, naging masaya ang mga magulang ng mga magsisipagtapos dahil hindi na kailangan pang isipin ng mga ito kung saan kukuha ng ipambabayad sa graduation fee para lamang makuha ang diploma sa entablado ng kanilang mga anak.
Bukod sa toga, sasagutin din ng lokal na pamahalaan ang mga gastusin tulad ng pag-arkila ng sounds system, mga upuan at iba pang pagkakagastusan sa graduation day.
Matatandaan na nagpalabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd) na hindi kailangang magbayad ng mga magulang ng mga magsisipagtapos para sa graduation fee ng kanilang mga anak ngunit hindi naman makakasama sa magsisipagtapos ang hindi makakaarkila ng toga kaya’t naisipan ng lokal na pamahalaan na sagutin na ang lahat ng gagastusin ng mga ito para sa kanilang pinakahihintay na pagtatapos.
Tiniyak din ng alkalde na walang public school sa buong lungsod ang maniningil ng graduation fee para sa mga magsisipagtapos dahil pananagutin ito ng lokal na pamahalaan.
- Latest
- Trending