^

Bansa

Lacson burado na sa wanted list ng Interpol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inalis na kahapon ang pangalan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa wanted list ng Interpol Red Notice kaya malaya na siyang makakagala sa loob at labas ng bansa.

Ito’y bilang pagsunod sa naging kautusan ng Court of Appeals (CA) na walang nakitang probable cause o sapat na basehan upang idiin ang senador sa pagkakasangkot sa kaniya sa pamamaslang kina dating publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Foreign Liaison Division chief, Atty. Claro de Castro Jr., na agad inaksiyunan ng Interpol ang inihaing request ng Philippine government na i-delist si Lacson sa Red Notice.

“Actually nung malaman namin na meron ng decision iyong Court of Appeals regarding the lifting of the validity of the warrant of arrest issued against Senator Lacson, immediately we requested the Philippine Center on Transnational Crime (PCTC)  for the lifting of the Senator’s name in the Interpol Red Notice,” pahayag ni de Castro matapos makipag-ugnayan ang PCTC  sa Interpol.

Nilinaw ng opisyal na mismong ang NBI ang naghain ng request noong Pebrero ng 2010 na itala si Lacson sa Red Notice kaya ito rin ang humiling na burahin ang pangalan ni Lacson, na agad ring natanggal dahil sa automated naman umano ang search facilities.

CASTRO JR.

COURT OF APPEALS

EMMANUEL CORBITO

FOREIGN LIAISON DIVISION

INTERPOL RED NOTICE

LACSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE CENTER

RED NOTICE

SENATOR LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with