^

Bansa

2,500 Pinoy med workers pupuwersahing ilikas sa Libya

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pupuwersahin nang ili­kas ang may 2,500 Pinoy medical workers na nananatiling nasa mga ospital sa Libya matapos tumindi ang ikatlong araw ng airstrikes ng US-UK led coalition forces na sumira na sa dalawang naval base at mga radar installations ni Libyan President Moammar Gadhafi.

Wasak at nagtamo ng malaking pinsala ang Busseta Naval base, may 10 kilometro ang layo sa Tripoli habang sunud-sunod na pinaulanan din ng missiles ng US Operation Odyssey Dawn ang 2 air base na malapit sa Benghazi.

Nasapul at napasabog din ang radar installations ng Libya na isa sa mga target ng airstrikes ng coalition forces.

Kinumpirma naman ka­hapon ni Foreign Affairs Usec Rafael Seguis na 23 Pinoy evacuees na lumikas sa Tripoli ang nakarating sa nasabing border matapos magdeklara ang DFA ng “mandatory” o forced evacuation.

BENGHAZI

BUSSETA NAVAL

FOREIGN AFFAIRS USEC RAFAEL SEGUIS

KINUMPIRMA

LIBYAN PRESIDENT MOAMMAR GADHAFI

NASAPUL

OPERATION ODYSSEY DAWN

PINOY

PUPUWERSAHIN

WASAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with