^

Bansa

Pagbasura sa warrant of arrest ni Lacson kinatigan ng CA

- Ni Doris Franche/Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Balik-Senado na si  Sen. Panfilo Lacson ma­­tapos na katigan  ng Court of Appeals (CA) ang pagbasura sa warrant of arrest na inisyu laban sa senador kaugnay ng  Dacer-Corbito case.

Sa 16-pahinang  de­sis­yon,  nakasaad na “The petitioner’s Urgent Motion for Clarification dated February 7, 2011 is granted”. Ang pagwawalang bisa sa arrest warrants sa mga  Criminal Cases Nos. 10272905 & 10272906  ay kailangan na agad na ipatupad. 

Dahil dito, balik senado na si Lacson at  hindi na dapat pang  matakot na siya ay arestuhin ng  anumang law enforcement agency.

Sakaling arestuhin si Lacson, ito ay hindi lamang paglabag sa  karapatan nito kundi pagsikil sa karapatan ng mga mamamayang bumoto at nagtiwala sa senador na maging kinatawan sa Senado.

Siniguro naman ni DOJ Sec. Leila de Lima na susundin nito ang na­ging desisyon ng korte kaugnay sa pagbasura ng arrest warrant ni Lacson.

Samantala, hinikayat naman ni Senate President Juan Ponce Enrile si Lacson na lumantad na matapos tuluyang ibasura ng CA ang warrant of arrest nito.

Wika naman ni Sen. Vicente Sotto III, mahalaga ang boto ni Lacson sa impeachment case ni Ombudsman Merceditas Gutierrez sakaling makarating na ito sa Senado.

COURT OF APPEALS

CRIMINAL CASES NOS

LACSON

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PANFILO LACSON

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

URGENT MOTION

VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with