PCCI dog shows sa March 19 & 20

MANILA, Philippines - Itatanghal ng Philippine Canine Club, Inc. (PCCI), ang nangungunang purebred canine registering body sa bansa, ang kanilang 456th at 457th All-Breed Dog Shows sa March 19 & 20, 2011 sa PCCI Activity Center, Marikina City.

Magiging hurado sa nasabing dog shows ang mga international all-breed judges na sina John D. Lewington mula sa Australia, at Imran Husain mula sa Pakistan.

Dalawampu’t limang taon nang judge si Lewington. Nagmamay-ari rin siya ng Wolfhounds sa loob ng 35 taon mula nang siya’y siyam na taong gulang.

Si Husain naman ay mi­yembro ng Board of Directors ng W.U.S.V. at pangulo ng German Shepherd Dog Club of Pakistan. Nagmay-ari siya ng 5 World Siegers at higit sa isang dosenang English Champion German Shepherd Dogs (GSD).

Ang PCCI ay ang natatanging organisasyon sa bansa na miyembro ng world canine organization na Federacion Cynologique International, na naka-base sa Belgium, at Asia Kennel Union na naka-base sa Tokyo, Japan.

Para sa ibang detal­ye tungkol sa shows, tumawag sa (02) 721-8345 / 721-7152 o bisitahin ang www.pccionline.org.

Show comments