^

Bansa

P-Noy umakyat sa 20-palapag sa Singapore

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Mistulang nag-peni­tensiya si Pangulong Aquino nitong “Ash Wenesday” nang akyatin nito ang 20 palapag na Changi Water Reclamation Plant matapos masira ang under­ground elevator sa kanyang pagbisita sa Singapore kamakalawa.

Nabatid na na-trap ng 20 minuto sa elevator ang delegasyon ng Pangulo kaya napilitan na lamang silang gumamit ng hagdan upang marating ang ground level ng water treatment. 

Humingi naman ng paumanhin ang mga Singaporean officials kay Aquino dahil sa pangyayari pero sinabi ng Pangulo na ‘okay” lamang ito.

Kasama ni P-Noy sa kanyang pagbisita sa water treatment plant ang 71-anyos na si DFA Sec. Albert del Rosario, PCOO Sec. Herminio Coloma, Finance Sec. Cesar Purisima at ibang miyembro ng kanyang delegasyon.

Itinuturing na lamang ng delegasyon na bahagi ng penitensiya ang nangyari sa kanila dahil “Ash Wednesday” naman noong Marso 9 at simula ng Holy Week.

Nag-ayuno din ang Pangulo sa kanyang dinner noong Ash Wednesday at hindi ito kumain ng karne bagkus ay seafoods ang kanyang kinain.

AQUINO

ASH WEDNESDAY

ASH WENESDAY

CESAR PURISIMA

CHANGI WATER RECLAMATION PLANT

FINANCE SEC

HERMINIO COLOMA

HOLY WEEK

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with