^

Bansa

Treatment plant ng Manila Water nakaabot na sa Jolo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inabot na ng water concessionaire na Manila Water ang kanilang portable treatment plant (PTP) sa Jolo, Sulu para mabigyan ng malinis at maiinom na tubig ang mga residente roon na apektado ng malawakang pagbaha. 

Malaking bagay umano ito lalupat ramdam pa rin ng mga taga-Jolo ang masamang epekto ng pagbaha roon noong nakaraang buwan bunsod ng malalakas na pag-ulan.

Sa press statement ng Manila Water, ang hakbang ay tugon umano nila sa panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga water concessionaires sa Kalakhang Maynila na tumulong sa paghahatid ng malinis na tubig sa mga biktima ng nasabing pagbaha.

“As we ensure the reliability of Manila Water’s basic water and sanitation services in the east zone of Metro Manila, we are likewise committed to provide assistance to areas with dysfunctional or absent water systems in need of clean water, which we regard as part of our corporate social philosophy,” pahayag ni Alice Manalo, pinuno ng Manila Water’s Operational Risk Management. 

ALICE MANALO

INABOT

JOLO

KALAKHANG MAYNILA

MALAKING

MANILA

MANILA WATER

METRO MANILA

OPERATIONAL RISK MANAGEMENT

PANGULONG NOYNOY AQUINO

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with