Casino nagagamit sa money laundering

MANILA, Philippines - Nais ng Anti-Mo­ney Laun­dering Council (AMLC) na masakop ng batas ang mga casino dahil nagagamit umano ito sa ‘paglilinis’ ng pera na ga­ling sa ilegal na gawain.

Inihayag kahapon ni Vicente Aquino, exe­cu­tive director ng AMLC sa hearing sa Senado na ma­ituturing na laundering ang pagbili ng chips sa mga casino kung muling ipapalit ito ng cash nang hindi nagamit sa pagla­laro.

“Well casinos are actually known conduits in  money laundering because buying casino chips and exchange (them) with cash later without actually gambling, that’s laundering. That’s laundering of funds,” sabi ni Aquino.

Kalimitan aniya ay ginagamit ng mga nagsusugal sa casino  ang mga financial institutions katulad ng bangko sa pagdedeposito o paglilipat ng kanilang pondo pero may mga pagkakataon din na hindi na ginagamit ang bangko sa pagpapalit ng napanalunan sa casino.

Tumanggi naman si Aquino na sabihin kung may natukoy na silang transaksiyon na ginagamit sa ilegal ang pagpapalaro sa casino dahil confidential umano ang nasabing bagay.

Show comments