^

Bansa

Passport ni Hubert sinusuri ng DOJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa pagsusuri ng Inter-Agency Task Force ng Department of Justice ang orihinal na pasaporte ni Hubert Webb kaugnay sa isinasagawang re-investigation ng Vizconde massacre.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maha­lagang matukoy kung tunay ang mga depensa ni Hubert­ sa mababang korte noong dinidinig pa ang kaso. Ang pagsusuri ay isinagawa mismo sa DOJ.

Sa depensa ni Webb sa korte, kanyang sinabing nasa Estados Unidos siya nang mangyari ang pagpatay sa mag-iinang Estrelita Vizconde kontra sa salaysay ng testigong si Jessica Alfaro.

Kabilang ang pasaporte ni Webb sa ebidensyang iprinisinta noon sa korte ng mga abogado nito sa kasagsagan ng pagdinig sa kaso.

Nagpapasalamat naman ang task force sa koo­perasyon ng kampo ni Webb dahil sa pagpayag nitong ipasuri ang orihinal na passport.

Ayon kay de Lima, layon ng pagberipika sa original passport ni Webb na malaman kung si Webb ay nasa bansa o nasa Estados Unidos nang ma­ganap ang karumal-dumal na masaker.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

ESTRELITA VIZCONDE

HUBERT

HUBERT WEBB

INTER-AGENCY TASK FORCE

JESSICA ALFARO

JUSTICE SECRETARY LEILA

WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with