^

Bansa

Magarbong graduation ipinagbabawal ng CHED

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga eskwelahan at uni­bersidad na magdaos ng magagarbong  graduation rites ngayong Marso.

Ayon kay Atty Julito Vitriolo, executive director ng CHED, dapat maging simple lamang ang graduation rites ng mga mag aaral at hindi sa mamahaling lugar para makapaningil ang mga paaralan ng mataas na halaga ng graduation fee.

Anya, kung maari sana ay gawin na ring simple ang yearbook, graduation party at iba pang aktibidad.

 Hinikayat pa ni Vitriolo ang mga estudy   ante at mga magulang na agad na magsuplong sa kanilang hanay kapag may namonitor na eskwelahang naniningil ng sobra sobra.

Ayon kay Vitriolo, agad nilang iimbestigahan ang mga eskwelahang irereklamo at bibigyan ng karampatang aksyon.

ANYA

ATTY JULITO VITRIOLO

AYON

HIGHER EDUCATION

HINIKAYAT

MAHIGPIT

MARSO

VITRIOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with