^

Bansa

Pinoy, 2 pa pinagbayad ng blood money

-

MANILA, Philippines - Isang restaurant super­visor na Pilipino at da­la­wang dayuhan ang inatasang sama-samang magba­yad ng 200,000 Dirhams (P2.37 milyon) maka­raang mamatay sa pagkaing may lason ang dalawang bata sa United Arab Emirates noong 2009.

Inatasan din ng Dubai Misdemeanir Court ang 34 anyos na Filipino supervisor at dalawa pang tao, isang 46 anyos na babaeng doktorang Iraqi at isang 25 anyos na kusinerong Nepalese, na magbayad pa ng tig-10,000 Dirhams (P119,000) sa mga magulang ng biktima.

Kinilala sa isang report ng Khaleej Times ang mga biktimang magkapatid na French-Indian na sina Nathan­, 5, at Chelsea D’Souza, 7.

Namatay si Nathan noong Hunyo 13, 2009 ha­bang nalagutan ng hininga kinabukasan ang kapatid niyang babae.

Sinasabi sa ulat ng Khaleej Times na ang hatol ng korte ay batay sa resulta ng imbestigasyon ng Higher Medical Committee ng ABU Dhabi.

Namatay ang magka­patid nang malason sa pagkaing idineliver sa kanilang bahay ng isang Chinese restaurant sa Al Qusais.

Dahil dito, kinasuhan ang kusinero at ang superbisor dahil sa paglabag sa public health requirements ng Dubai municipality.

Kinasuhan naman ang duktor ng pagpapabaya sa pagbibigay ng medical care sa mga bata nang ipasok ang mga ito sa ospital matapos malason sa pagkain.

AL QUSAIS

CHELSEA D

DAHIL

DUBAI MISDEMEANIR COURT

HIGHER MEDICAL COMMITTEE

KHALEEJ TIMES

NAMATAY

NATHAN

SHY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with