^

Bansa

Feeding bottles na may lason pinababawi

-

MANILA, Philippines - Umapela ang EcoWaste Coalition sa pamahalaan na bawiin ang mga baby feeding bottles na sinasabing may taglay na toxic substance na bisphenol A (BPA) na una nang ginawa ng European Union (EU), simula nitong Marso 1, 2011.

Inatasan ng EU ang mga member states nito na ipagbawal ang pagbebenta ng BPA-added plastic materials at mga articles na maaaring magkaroon ng kontak sa mga pagkain, simula sa Hunyo 1, 2011.

Ayon kay Velvet Roxas, ng Arugaan, isang breastfeeding advocate at steering committee member ng EcoWaste, umaapela sila kay Pangulong Aquino na sundan ang ginawa ng EU kung saan agad na ipinagbawal ang paggawa ng feeding bottles na ipinapasok sa bansa upang mapangalagaan at matiyak ang kaligtasan ng mga sanggol na gumagamit ng feeding bottles.

Ang industrial chemical na BPA ay ginagamit sa paggawa ng polycarbonate plastics, na siya namang ginagamit sa paggawa ng mga plastic products, na may label na “PC” o numerong “7” pangunahin na ang infant feeding bottles, water bottles at food containers.

Sa pag-aaral ng mga health experts, nagkakaroon ng mapanganib na epekto ang BPA sa oras na mainitan ito, lubha umano na mapanganib sa mga sanggol na nasa unang anim na buwan ng kanilang buhay ay gumagamit ng feeding plastic bottles.

Lumilitaw na may masamang epekto sa paglaki ng bata ang BPA kung mataas ang exposure nito sa nasabing kemikal. (Doris Franche/Mer Layson)

AQUINO

ARUGAAN

AYON

BOTTLES

DORIS FRANCHE

EUROPEAN UNION

MER LAYSON

VELVET ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with