^

Bansa

4 Pinoy 'hostage' ni Gadhafi!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines -  Nagmistulang hostage ang apat Pinoy na kasambahay ng umano’y pamilya ni Libyan President Moammar Gadhafi matapos na pigiling makalabas sa kanilang tahanan upang makasama sa isinasagawang full repatriation ng Pilipinas sa may 30,000 mamamayang Pinoy na nasa Libya.

Bunsod nito, pinanga­ngambahan na malagay sa peligro ang buhay ng apat na OFW dahil na rin sa banta ng Estados Unidos na gagawin nila ang ano mang uri ng paraan upang mapuwersang bumaba sa puwesto si Gadhafi na sinasabing wala na sa sariling kontrol at ‘ganid’ na sa kapangyarihan.

Kinumpirma rin kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may apat na Pinoy ang nagsisilbi bilang mga household workers sa kaanak ni Gadhafi.

Gayunman, pinabulaanan ng DFA na mismong kay Gadhafi naninil­bihan ang apat kundi sa isang pamangkin umano ng Libyan president.

Ayon pa sa DFA, inatasan na nila ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli upang saklolohan ang apat na Pinoy na pinagbabawalan umano na lumabas ng kanilang tahanan upang tumungo sa Embahada at suma­bay sa isinasagawang paglilikas sa mga Pinoy palabas sa Libya.

Nagtungo na sa DFA ang mga kaanak ng naiipit na apat na OFWs noong Sabado at sa pamamagitan ng “Libreng Tawag” ng DFA ay nakausap nila ang kanilang kaanak na nasa Tripoli.

Samantala, sinabi ng DFA na humimpil dakong alas-2 ng hapon (alas-8 ng umaga sa Libya) kahapon ang barkong Ionian Queen na may kapasidad na 1,725 pasahero sa Gulani Port sa Benghazi upang magsakay ng mga inililikas na Pinoy.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Tripoli, may 1,546 Pinoy ang inaasahang makakasakay sa Ionian Queen patungo sa Port ng Crete, Greece at mula sa Greece ay ililipad naman sila pauwi sa Pilipinas.

May karagdagang 534 OFWs pa ang nailikas ng Embahada ng Pilipinas at POLO sa Djerba patungo sa Tunisian border.

Sa tala ng DFA at DOLE, umaabot pa lamang sa 440 Pinoy ang nakakauwi na sa Pilipinas at inaasahan ang magkakasunod na pagdating pa ng may 377 kahapon ng hapon at ngayong araw kabilang na dito ang 180 na naantala ang pagda­ting sakay ng Mideastern Airlines.

Ayon naman sa DOLE, may 4,097 Pinoy pa na nasa relocation sites at command posts ng Pilipinas sa border ng Egypt, Tunisia, Malta at Greece ang nag-aantabay nang ilipad pauwi sa Pilipinas. 

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DFA

EMBAHADA

ESTADOS UNIDOS

GADHAFI

GULANI PORT

IONIAN QUEEN

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with