AFP chief nag-iimpake na

MANILA, Philippines - Nagsisimula ng mag-impake ng kaniyang mga kagamitan si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Ricardo David Jr.

“Nagbabalut-balot na ako, I have no regrets,” ani David na masayang iiwan ang AFP matapos ang mahigit 30 taong serbisyo militar.

Nakatakdang magretiro si David sa Marso 8 dahil naabot na niya ang mandatory age retirement na 56. Subalit gaganapin ang change of command sa Marso 7 na pangungunahan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III bago ito tumulak patungong Jakarta, Indonesia at Singapore para sa state visits.

Nagpapaalam na siya sa  tatlong Major Service Commands na kinabibilangan ng Philippine Air Force (PAF), Philippine Army  at Philippine Navy.

Show comments