^

Bansa

'Pag di humupa ang gulo sa ME, Africa: Langis posibleng irasyon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nangangamba ang ilang kongresista sa Kamara na magkaroon ng oil rationing kapag hindi tumigil ang kaguluhan sa Middle East at Western Africa kaya gusto nilang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Noynoy Aquino oras na magkaroon ng krisis sa suplay ng langis sa bansa.

Ayon kina Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento at Ang Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco, dapat paghandaan na ng Kongreso ang pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Aquino.

Sinabi ni Sarmiento, kailangan magsagawa ng imbentaryo ang Department of Energy sa imbak ng langis sa bansa para maiwasang mangyari ang artificial gas rationing.

Ayon kay Sarmiento, may mga kompanya ng la­ngis ang siguradong magsasamantala sa nangyayari ngayon sa mga nasabing lugar kaya bago pa man mangyari ito ay dapat magkaroon ng imbentaryo ang DOE para hindi malagay sa malaking problema ang mamamayan sa bansa.

Ipinalalatag na rin ni Sarmiento sa gobyerno ang contingency measures nito upang hindi magkagulo sa bansa kung mangyari ang oil shortage.

ANG KASANGGA PARTYLIST REP

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

MEL SENEN SARMIENTO

MIDDLE EAST

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SARMIENTO

TEODORICO HARESCO

WESTERN AFRICA

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with