Programa sa EDSA sablay

MANILA, Philippines - Sablay ang unang bahagi ng programa para sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power revolution kahapon.

Dalawang ulit kinanta ang pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang” dahil nakalimutan itaas ang bandila sa unang pagkanta kaya inulit pa ito.

Unang kinanta ni Mauna Kia Chan, pinakabatang miyembro ng OPM, ang national anthem habang nagsasagawa ng trooping the line si Pangulong Noynoy ngunit hindi itinaas ang bandila.

Pagkatapos ng trooping the line, muli itong kinanta dahilan upang magtaka at i-boo ng mga nanonood.

Na-late din si Pangulong Aquino ng 9 minuto sa itinakdang alas-7:30 ng umaga na flag raising ceremony sa People Power monument sa EDSA. 

Show comments