MANILA, Philippines - Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para gamitin ang C-130 plane nito para ilikas ang may 200 overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Libya.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta Jr., hinihintay na lamang ng Philippine Air Force (PAF) ang go signal mula sa Malacañang at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan para tumungo sa Libya at i-rescue ang mga Pinoy doon.
Sinabi ni Mabanta na 150 pasahero ang kapasidad ng isang C130 plane kung walang bagahe at kung merong mga dala ang mga OFW’s ay nasa 100 ang makakayang ilipad ng eroplano.
Naka-standby na ang C130 para sa nasabing misyon.