^

Bansa

Pag-Ibig inulan ng pekeng dokumento ni Lee

- Ni Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng isang opisyal ng Pag-IBIG sa ginawang im­bes­tigasyon ng government prosecutors na nagsumite ng mga loan folders na ‘fraudulent’ si Globe Asia­tique developer Delfin Lee upang puwersahin ang gobyerno na maglabas ng P6 bilyon sa housing loans.

Sa panimulang clarificatory hearings ng DOJ, iginiit ni dating Pag-IBIG officer-in-charge Emma Faria na nagsumite ng bulto-bultong loan folder si Lee sa Pampanga para sa loan take-out na istilo ng Glorbe Asiatique.

Wika pa ni Faria sa hearing, lumitaw sa kanilang post-validation sa Pag-Ibig-Pampanga branch na pawang peke ang dokumento at fraudulent ang buyers na isinumite ni Lee.

Inirekomenda ng government prosecutors ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa constituting economic sabotage kay Lee.

Itinanggi naman ni Lee sa nabanggit na hearing na nanloko siya sa Pag-Ibig dahil walang iregularidad sa transaksyon ng GA.

Sa imbestigason ng NBI, sa 9,951 umanoy Pag-Ibig borrowers sa Globe Asiatique deals, 1,000 dito ay hindi mahanap,400 ay ibinasura ang aplikasyon para sa housing loans at 200 ay mayroong hindi kumpletong dokumento  para sa transaksyon.

Mayroon pang kinakaharap si Lee at mga emple­yado ng GA ng dalawang reklamong syndicated estafa dahil sa umanoy double sale ng Xevera Homes sa Mabalacat, Pampanga.

DELFIN LEE

EMMA FARIA

FARIA

GLOBE ASIA

GLOBE ASIATIQUE

GLORBE ASIATIQUE

IGINIIT

PAG

PAG-IBIG

PAMPANGA

XEVERA HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with