^

Bansa

Bicycle Law isinulong sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Sen. Manny Villar na magkaroon ng batas kaugnay sa pagbibisikleta bilang alternatibong paraan ng pagbibiyahe sa harap ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at pamasahe.

“Bukod sa maganda sa kalusugan at panga­ngatawan ang pagbibisi­k­leta, ito rin ay alternatibong solusyon sa polus­yon at nagmamahalang mga sasakyan, bukod pa rito ang maintenance ng sasakyan at mahal na bayad sa mga parking areas,” ayon kay Sen. Villar.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2688 o Bicycle Act of 2011, lahat ng mga pangunahing kalsada ay magkakaroon ng bicycle lanes na itatakda ng Local Bikeways Office (LBO).

Ang LBO na isasailalim sa city o municipal engineering office ang manganga­siwa sa lahat ng mga patakaran ukol sa Bicycle act kasama na dito ang pagpaparehistro sa mga bisikletang gagamit ng mga bike lanes.

Taong 1996 nang  apru­bahan ng konseho ng lungsod ng Marikina ang pagkakaaroon ng bike lanes sa naturang lungsod. Kamakailan, inaprubahan na rin ng Davao City council sa ikalawang pagbasa ang kanilang sariling bersyon ng bicycle ordinance.

Tinukoy din ni Villar ang bike lane sa paligid ng  CCP complex sa lungsod ng Pasay.

Magkakaroon ng bicycle parks sa lahat ng lungsod at bayan sa bansa. Kukunin ang pondo mula sa kinikita ng mga lokal na pamahalaan sa mga parking at license fees.

Nakapaloob din sa panukala ang paggamit ng helmet ng mga bike riders at reflective lights ng mga bisekleta upang maiwasan ang mga aksidente lalo na sa gabi.

Bawal din ang magsa­kay ng sobra sa itinatakdang limit ng bisikleta.

BAWAL

BICYCLE ACT

BUKOD

DAVAO CITY

ISINUSULONG

LOCAL BIKEWAYS OFFICE

MANNY VILLAR

SENATE BILL NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with