^

Bansa

Illegal settlers sa Gapo, inayudahan

-

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng programa ng pamahalaang lungsod ng Olongapo sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga maralitang taga-lungsod, pinagkalooban ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ng tulong pinansiyal ang may 20 pamilya ng mga illegal settlers na pinaalis sa kanilang tinitirhan kamakailan.

Ang mga pamilya na nagtayo ng mga barung-barong sa Parola, Barangay Kalakalan ay pinaalis ng DPWH dahil ang kanilang mga bahay ay nasa bunganga ng ilog ng Kalaklan at nasa tabi ng bundok ng mga buhangin na galing sa kalapit na dagat kung kaya’t ito’y nanganganib sa baha at landslide.

Ayon kay Kalaklan Brgy. Captain Ricardo Federico, ang mga iskwater ay galing sa relocation site sa Nagbaculao kung saan pinalipat ang mga dating illegal settler sa Parola mahigit 20 taon na ang nakakaraan.

Ibig sabihin, ani Federico, ay may mga sarili ng lupa ang mga ito kaya wala ng dahilan para muling okupahin ang ibabang bahagi ng pa­rola na nasa tabi ng ilog. Ang Parola ay isang makasaysayang lugar dahil dito nakatayo ang kauna-unahang parola o lighthouse sa Olongapo­ at ito ay isang tourist attraction.

ANG PAROLA

AYON

BARANGAY KALAKALAN

BILANG

CAPTAIN RICARDO FEDERICO

KALAKLAN BRGY

MAYOR JAMES

OLONGAPO

PAROLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with