Recruiter ng bibitaying Pinay timbog ng NBI

MANILA, Philippines –  Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y recruiter ng isa sa bibitaying Pinay sa China.

Positibong kinilala ng mga magulang at mga kapatid ng bibitaying si Sally Ordinario Villanueva si Tita Cacayan, na pinaniniwalang miyembro ng West African Drugs Syndicate (WADS) na itinuturong nag-recruit kay Villanueva. Si Cacayan, ng Rizal Alicia, Isabela ay dinakip ng NBI-Cagayan Valley Region alas-4 ng madaling araw kahapon.

Ang kapatid ni Villanueva na si Jason ang nakiki­pagtulungan sa NBI para sa ihaharap na kasong human trafficking, drug trafficking at illegal recruitment laban kay Cacayan.

Sinabi ni Jason na nakapasok siya sa sindikato sa pagnanais na mailigtas ang kaniyang kapatid na bibitayin. Nasubukan niyang lumunok ng 38 pirasong capsulized heroin nang i-recruit siya ni Cacayan.

Show comments