^

Bansa

VACC chair pinagmulta ng SC

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Pinatawan ng contempt ng Korte Suprema si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez dahil sa ginawa nitong pagmumura sa mga mahistrado nang iabswelto ng Korte Suprema ang grupo ni Hubert Webb kaugnay sa Vizconde massacre case.

Dahil dito kaya’t pi­nag­babayad ng Korte ng P100,000 si Jimenez bilang multa sa ginawa nito.

Ayon kay SC spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez, bagamat hindi naapek­tuhan ang mga mahistrado sa pagmumura ni Jimenez, po­sible namang naapek­tuhan ang pana­naw ng publiko sa Korte Suprema bilang isang institusyon.

Sinabi ni Marquez na umabuso si Jimenez sa kanyang freedom of speech nang gawin niya ang pagmumura laban sa mga mahistrado. 

Nagpalabas din ang Korte ng matinding pa­aalala kay Lauro Vizconde na maging mai­ngat sa kanyang mga pahayag.

Ito ay matapos din nitong paratangan sa publiko si Associate Justice Antonio Carpio na inimpluwensyahan ang mga kapwa mahistrado para maabswelto sa massacre case si Webb at ang anim na iba pang akusado.

Sinabi ni Marquez na nauunawaan ng mga mahistrado ang damdamin ni Vizconde na namatayan ng asawa at mga anak, pero pinaalalahanan nila ito na maging maingat sa mga alegasyon.

Nagpalabas naman ang Korte Suprema ng show cause order para kay Atty. Ferdinand To­pacio makaraan nitong sabihin sa isang pahayagan na may pagtatangka sa panig ni Carpio na impluwensyahan ang mga kapwa niya Mahistrado sa ipalalabas na desis­yon sa nasabing kaso.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

COURT ADMINISTRATOR ATTY

DANTE JIMENEZ

FERDINAND TO

HUBERT WEBB

JIMENEZ

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with