2,000 pares ikinasal ng libre sa Caloocan
MANILA, Philippines - Tatangkain ng Caloocan City government na masungkit ang pinakaaasam na mapalinya sa Guiness Book of World Records sa pinakamaraming pares na ikakasal sa isinagawang kasalang bayan sa mismong araw ng mga puso.
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, umabot sa 2,000 pares ang pinagbuklod sa ginanap na kasalang bayan na inisponsoran ng lokal na pamahalaan na ginawa sa Glorietta Park, Tala ng nasabing lungsod kahapon.
Aniya, taon-taon ay libo-libong pares ang nagpapakasal sa ginaganap na kasalang bayan sa mismong araw ng mga puso kung saan ay libre ang lahat ng gagastusin ng mga ito upang maging legal ang kanilang pagsasama.
Ang pinakamatandang sumali sa kasalang bayan ay sina Wenefredo Gacuma na may edad 60, at Laura Negrido, 71, habang ang pinakabata ay sina Ronnie Binggot, 22 at Kay Ann Llanza, 18.
Maging ang pagpaparehistro ng kanilang kasal ay sinagot ng lokal na pamahalaan.
- Latest
- Trending