^

Bansa

Mega job fair sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Upang muling matulungan ang mga residenteng walang hanapbuhay ay magsasagawa ng mga mega job fair si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri bilang bahagi ng paggunita sa 49th founding anniversary ng lungsod.

Gaganapin ang mega job fair bukas, Pebrero 11 sa Plaza Rizal sa main city hall na matatagpuan sa A. Mabini St. dakong alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ang susunod na mega job fair ay sa Pebrero 24 sa Caloocan City Hall North Compound, Zapote Road, Camarin mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ayon kay Echiverri, maaaring makakuha ng hanapbuhay ang mga magtutungo sa job fair hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa labas ng Pilipinas.

Magdala lang ang mga aplikante ng kanilang larawan, bio-data/resume, barangay clearance at iba pang mahahalagang dokumento tulad ng passport sa mga nais makapagtrabaho abroad.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY HALL NORTH COMPOUND

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

GAGANAPIN

MABINI ST.

MAGDALA

PEBRERO

PLAZA RIZAL

ZAPOTE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with