MANILA, Philippines - Isinakripisyo umano ni dating AFP Chief of Staff at dati ring Defense Secretary Angelo Reyes ang kaniyang buhay upang isalba ang organisasyon sa posible nitong pagkawasak at mapigilan na magkahati-hati ang mga sundalo.
“Here’s a man ibibigay ang kaniyang buhay, he sacrificed for giving his life to save the institution,” ani AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta na aminadong nagluluksa ang buong sandatahang lakas sa pagkawala ng dating Chief of Staff pero sa gitna nito’y dapat silang mag-move on sa iniwan nitong pait sa kanilang kasaysayan.
Ipinahiwatig pa ng opisyal na mas may malalim na motibo ang pagpapatiwakal ni Reyes at hindi ito dapat husgahan lalo na’t ang dating Defense Chief lamang ang tanging makakasagot nito.
Samantala, bago umano nagpatiwakal si Reyes ay nakatanggap pa ito ng tawag sa telepono mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na tinatanong kung ano ang laman ng liham na ipinadala ng Kalihim kay Trillanes.