^

Bansa

'Sorry' huling narinig kay Reyes

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - “Nakita ko si sir na nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ina, nag-sign of the cross, lumuhod at taimtim na nagdasal, pagkalipas ng ilang minuto ay nakita kong binunot niya ang kanyang baril at itinutok sa kanyang dibdib saka kinalabit ang gatilyo at umalingawngaw ang malakas na putok”.

Ito umano ang nasaksihan ng isa sa mga caretaker ng Loyola Memorial Park na si Mang Ben Osorio, 58, isa sa mga tumulong na bumuhat kay dating AFP chief of staff Angelo Reyes, noong dalhin siya sa ospital.

“Hindi ko naman akalain na magbabaril siya, pero kung medyo malapit lang ako sa kanya ay pipigilin ko siya,” sabi ni Mang Ben.

Matapos ang malakas na putok ay duguan bumagsak sa “bermuda grass” si Reyes kaya mabilis na bumalik sa lugar ang kanyang dalawang anak at bodyguard para buhatin at isakay sa  kulay itim na Nissan Cefiro na may plakang  WHD-757 para dalhin sa pagamutan.

Ayon kay naman kay Noven Llamada, security guard sa sementeryo, nitong mga huling araw ay naging madalas ang pagdalaw ni Reyes sa puntod ng kanyang inang si Purificacion.

“Kahapon lamang po nakita rin namin siyang nasa harap ng puntod ng kanyang ina na nagdadasal,” anang guwardiya.

Sinabi naman ni Feliano Recorba, maintenance staff ng Loyola na habang binubuhat nila si Reyes ay narinig nila ang huling katagang sinabi na “Sorry” na marahil umano ay para sa kanyang mga anak dahil sa kanyang ginawang pagbaril sa sarili.

Noong nabubuhay pa si Reyes ay minsan na niyang sinabi sa isang interview, na hin­ding-hindi siya gagawa ng anumang bagay na makakasira sa pangalan ng kanyang Ina.

Hanggang makaladkad ang kanyang pangalan hinggil sa umano’y milyun-milyong pabaon at pasalubong system sa AFP.

ANGELO REYES

AYON

FELIANO RECORBA

KANYANG

LOYOLA MEMORIAL PARK

MANG BEN

MANG BEN OSORIO

NISSAN CEFIRO

NOVEN LLAMADA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with