Dayuhan interesado sa copper gold ng Tampakan
MANILA, Philippines - Biglang tumanyag sa mapang pandaigdig ang maliit na bayan ng Tampakan sa South Cotabato dahil sa panukalang copper-gold project.
Interesado ang mga opisyal ng mga embahada ng Switzerland, Australia at New Zealand sa panukalang cooper-gold project na itinuturing na pinakamalaking dayuhang pamumuhunan sa bansa.
?“Isang malaking karangalan para ang isang maliit na bayan na tulad ng sa amin na bisitahin ng mga dayuhang diplomat,” sabi ni Tampakan Mayor Leonardo Escobillo hinggil sa Tampakan na segunda klaseng munisipyo na may 34,000 populasyon.?Kinumpirma naman ni South Cotabato Provincial Assessor Eduardo Siason na para sa maliit na bayan tulad ng Tampakan, nagpakita ito ng mabilis na pag-unlad sa ekonomiya sa huling limang taon.
Ayon kay Mayor Escobillo, inaasahan nila ang mabilis na pag-unlad kapag nagsimula na ang operasyon ng pagmimina sa 2016. Ngunit iginiit niya na mananaig ang responsableng pagmimina sa proyekto sa pamamagitan ng mga sukatan para maprotektahan ang kapaligiran, lalo ang pinagkukunan ng tubig sa project area.
- Latest
- Trending