2nd batch ng Pinoys sa Egypt darating

MANILA, Philippines - Darating na rin sa bansa ang ikalawang batch ng mga Pinoy na nagkusang lumikas sa Egypt bunsod ng patuloy na protesta at kaguluhan ng mga Egyptians na humihiling na bumaba sa puwesto si Egyptian President Hosni Mubarak.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt, ang second batch ng Pinoy repatriates na hindi pa binanggit ang dami ay aalis sa Cairo sa Martes at inaasahang darating sa Manila ng Miyerkules.

Ang unang batch na 26 Pinoy ay dumating kahapon na binubuo ng 14 kababaihan, 10 menor-de edad at kanilang pamilya, tatlong murse at mga household service workers.

Show comments