MANILA, Philippines - Inamin ng Department of Education (DepEd) na kapos sila ng 152,000 na classroom sa pagpasok ng school year 2011-2012.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, kapos sila ng pondo kaya nakipagkasundo ang DepEd sa League of Municipalities, League of Province at iba pang local government units para tustusan ang pagpapatayo ng mga kakulangan sa silid aralan.
Sinabi ni Luistro, pagkakaisa ng lahat ng sector ang susi para makamit ng DepEd ang adhikaing mapagkalooban ng edukasyon ang lahat ng mamamayan.
Kapos din ng103,000 na guro ang DepEd para sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo.