Pinoys sa Egypt pinapauwi na
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Deparment of Foreign Affairs (DA) ang pagpapauwi sa mga Pinoy na naiipit sa tumitinding kilos-protesta at karahasan sa Egypt.
Ang voluntary repatriation ay bunsod sa panawagan ng ilang OFWs na nais na nilang umuwi at sa kahilingan na rin ng kanilang nag-aalalang pamilya sa bansa.
Minomonitor na rin ng embahada ang nagaganap na martsa ng mga Egyptian protesters mula sa Tahrir square sa Cairo patungo sa Presidential Palace para igiit ang pagbibitiw ni Egyptian President Hosni Mubarak at lahat niyang mga opisyal. Naka-posisyon sa Palasyo ang mga tangke, jet fighters at mga sundalo na naghahanda sa may 1 milyong protesters na nakatakdang sumugod doon.
May 6,569 Pinoy ang nasa Egypt, pero maaari umano itong umabot sa mahigit 10,000 kasama na ang mga undocumented.
Inililikas na rin ng mga bansang United States, India, Turkey at Iraq ang kanilang mamamayan sa Egypt.
Sa mga may pamilya sa Egypt, maaaring tumawag sa DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs 24-hour hotline nos. 834-4580.
- Latest
- Trending
















