LPG nag-rollback

MANILA, Philippines -  Nagbaba rin ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis kahapon.

Nagpatupad ng P2.50 rollback kada kilong LPG ang Pilipinas Shell at Petron habang P1 kada kilo sa kanilang mga tangke ang LPG Marketers Association.

Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na pinatotohanan nito ang forecast nila noong Enero na pababa ang presyo ng LPG sa internasyunal na merkado ngayong Pebrero dahil sa pagtatapos ng “winter” sa mga dayuhang bansa kung saan bababa ang pangangailangan sa langis.

Sinabi rin ng mga dealers ang pababang panga­ngailangan ngayon para sa LPG, gas at diesel ngayong pagpasok ng tag-araw.

Show comments