MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlong ruta ang kanilang inihahandang evacuation areas ng mga OFW’s sa Egypt sakaling kailanganin ang evacuation ng mga ito.
Sinabi ni Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis, nakikipag-ugnayan na sila sa Libya at Jordan sakaling kailanganin na ilipat ang mga 6,500 OFW’s dito sa sandaling lumala ang sitwasyon sa Egypt.
Wika pa ni Conejos, naglaan na ang DFA at OWWA ng P50M standby fund na gagamitin para sa evacuation ng mga OFW’s.
Aniya, maaring ilikas ang mga OFW’s sakay ng barko patungong Tripoli, Libya at Amman, Jordan mula sa Port ng Alexandria o maaari rin sa pamamagitan ng by-land travel.